Itigil ang pag-autoplay ng mga videos sa Facebook
Sa pag iyong pag-iiscroll sa newsfeed bigla bang nagpaplay ang mga videos kahit hindi mo ninanais? Nabiktima ka na ba ng mga videos ng mga humahalinghing na babae o iba pa? Maari itong maiwasan at iplay lamang ang nais mong iplay na video.Ang mga video ay isang uri ng mutimedia post sa facebook na nagbibigay impormasyon, kasiyahan, at kung minsan ay maaring ding ikapahamak. Ikaw ba ay nagtitipid sa data? Ang pagtigil ng autoplay ay matutulong din saiyo! Narito ang mga hakbang sa pagtigil ng auto-play sa Facebook.
PARA SA DESKTOP:
1. Pumunta sa www.facebook.com at i-login ang iyong account.

2. Pumunta sa Settings. I-click ang hugis tatsulok at lalabas ang mga menu. Piliin ang Settings.

3. Piliin ang Video mula sa Settings. Ito ay nasa pinakababa sa kaliwa.

4. Mula sa Video Settings piliin ang auto-play videos. Sa kanan piliin ang off.

PARA SA MOBILE:
1. Buksan ang App at mag-login sa iyong account.

2. Pumunta sa Settings. I-click ang drop down menu katabi ng pangalan at piliin ang settings.

3. Sa Settings piliin ang Videos and Photos.

4. Piliin at iclick ang Autoplay

5. At sa huli piliin at iclick ang Never Autoplay Videos.

Yehey!


Nakatulong ba sa iyo ang post na ito? iLIKE at iSHARE ang post na ito!
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento