Mga Paraan Upang Pabilisin ang Bumabagal na Android Phone
Naiinis ka na ba dahil bumabagal na ang iyong Android Phone? At naiisipan mo nang bumili ng bago? Sandali lang! May mga madaling mga paraan pa upang muling maibalik ang bilis nito.![]() |
imahe mula sa: pixabay.com |
Tanggalin ang Hindi na Ginagamit na mga Aplikasyon
Ang pinakamadaling paraan upang mapabilis ang iyong Android Phone ay ang pagtanggal ng mga aplikasyon na hindi na ginagamit. Bakit nga ba nakakaapekto sa bilis ang sobrang mga aplikasyon? Ang mga aplikasyon ay kumakain in memorya at proseso sa iyong Android Phone. Sa madaling salita, mas mabilis na makakadaan ang isang sasakyan sa isang kalsadang wala masyadong iba pang sasakyan kumpara sa isang kalsadang maraming sasakyan.
Gawin ito sa pamamagitan ng pagpunta sa Settings > Piliin ang Apps (Applications) > Pumunta sa Downloads > Piliin ang App(s) na tatanggalin > Pindutin ang Uninstall. Sa pamamagitan nito ay nagkakaroon ng free-space sa memory ng Android Phone kung kaya'y mas mapapabilis ang proseso.
I-Update ang Software
Gawin ito sa pamamagitan ng pagpunta sa Settings > Piliin ang About Phone (Tablet) > Pindutin ang System Updates > I-Tap ang Check Now > Kapag mayroong Update na lumabas I-tap ang Restart & Install.
Ang pag-u-update ay hindi lamang nakapagpapabilis kundi nakapagdadagdag pa ng mga features sa iyong phone. Maari ring i-update ang mga aplikasyon na iyong ginagamit. Pumunta sa Playstore > Hanapin ang Aplikasyon na gustong i-update > Tignan kung may update > Kung mayroong update i-tap ang update.
Burahin ang Cached Data
Madalas ang mga internet browser application ang may pinakamalaking cached data. Upang burahin ito pumunta sa Settings > Piliin ang Device Manager > Sa Device Manager Piliin ang App na gusto mong tanggalan ng cached data > Kapag napili na ang App i-tap ang clear app data. Ulitin lamang ang prosesong ito sa iba pang aplikasyon
I-Root ang Android Phone
Ang mga benepisyo ng pagroroot ay:
- - Pagtanggal ng mga pre-installed applications o mga aplikasyon na inilagay ng manufacturer
- - Makapagpapabilis ng sistema at nakakapagpapahaba ng buhay ng baterya
- - Nakakapag-install ng mga apps na hindi rehistrado sa playstore
- - I-customize ang phone base sa iyong pangangailangan
- - Palitan ang ROM at maginstall ng custom ROM (palitan ang OS na ginagamit ng phone)
Iba't iba ang mga paraan upang maroot ang iyong Android Phone. At uulitin maaring masira nito ang iyong phone at hindi na maibalik sa dati ang mga ginagawa nito.
Sana ay nakatulong saiyo ang mga paraan na ito.
Kung nakatulong at nagustuhan mo ang post na ito i-Like at i-Share ito sa mga kakilala mo! Huwag kalimutang i-like at i-share ang blog na ito!
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento