WannaCry Ransomware nasa Pilipinas na!

WannaCry Ransomware nasa Pilipinas na!

Ang ransomware na sumalanta sa Europe, Amerika, at iba pang bansa ay nasa Pilipinas na rin. Ang WannaCry Ransomware na umaatake sa Windows OS ay naminsala at nagpatigil ng operasyon ng mga ospital, medical facilities, financial institutions, telco, at airlines sa iba't ibang bahagi ng mundo.

Wannacry Ransomeware
Interface ng WannaCry Ransomeware
Ang ginagawa ng WannaCry ay encryption o pagtatago ng iyong files hanggang mabayaran mo ang kaukulang ransom na hinihingi na $300 na base payment sa pamamagitan ng Bitcoin (isang uri ng digital currency).

Pero saan ba ito nagsimula? Nagsisisihan ngayon ang Tech Giant na Microsoft at ang National Security Agency ng Estados Unidos dahil inaakusahan ng Microsoft na nanggaling ito sa (mga) bansang nagtatago ng ransomwares at iba pang cyberweapons. (source: www.usatoday.com)


Nagbabala na rin ang ating gobyerno sa pagpasok ng WannaCry sa Pilipinas. Pinaiigting na ngayon ng gobyerno ang kanilang seguridad upang hindi maparalisa ang kanilang serbisyo. Gayon din na pinapayuhan ang lahat na mag-ingat sa paggamit ng computer at internet.

Tips upang maiwasan ang WannaCry Ransomware at iba pang Malware:

1. Update software mas lalo na ang Operating System at Anti-Virus program. Ayon sa mga eksperto mas mataas ang tsansa na ma-infect ang outdated at pirated operating system dahil hindi ito nakakakuha ng regular updates. Tandaan sa Windows OS pa lang ito nakikita at wala pang kumpirmadong pagatake sa Linux, iOS, Android, at iba pang Operating System.

2. Regular Backup ang pagbackup ng importanteng files ay magandang habit. Maaring ilagay ang mga files sa flash drive, external hard drive, o cloud storage kung saan madali itong makuha kahit ma-infect o mabura ito.

3. Download at Trusted Sites only napakaraming malwares ang parang parasites sa mga legit softwares. Sila yung sumasabay sa pag-install ng mga legit na softwares na nakukuha sa hindi trusted na source.

Kapag inatake ng ransomware ipagbigay alam agad sa eksperto o sa kinauukulan gaya ng DICT o Department of  Information and Communications Technology upang mapigilan ang pagkalat at maisalba kung maari ang iyong files.

WannaCry Meme






Comments