Paano Magsimula sa Blogging?

Paano Magsimula sa Blogging?

Gusto mong magsimula o gumawa ng Blog o Website? Pero paano nga ba? Dapat ay alamin mo muna kung bakit ka gagawa ng Blog o Website. Para ba kumita, maging sikat, mag-share lamang ng nalalaman, o magkaroon lamang ng bagong hobby?


Paano Gumawa ng Blog

Marahil napadpad ka dito dahil dito:
"
paano kumita ng pera sa bahay"
"paano gumawa ng blog"
"gumawa ng blog site"
"trabaho sa bahay"

Maraming successful pinoy bloggers na sa buong mundo na kumikita ng malaki, nakakapag-travel, o nagagawa ang gusto nila sa buhay. Pero hindi lahat nagtatagumpay sa blogging industry dahil ayon sa mga Blog at SEO experts mahigit 70% ng nagsisimulang magblog ay humihinto na lang bigla dahil sa kawalan ng passion at pag-asa na magtatagumpay ang blog nila. Marami ang humihina ang loob sa umpisa pa lang dahil sa wala o mababang traffic, hindi ma-accept sa Adsense o iba pang Ad program, at sobrang baba ng kita sa pag blog. Pero iyon ang pinakamaling gagawin mo kung ikaw ay magsisimula ng blog, ang hihinto sa umpisa. Ang Blogging ay hindi madaling paraan para kumita ng pera dahil kailangan seryoso ka at matiyaga sa blogging at dahan dahan ikaw ay kikita din (wag maniwala sa shorcuts!).

Budget sa Paggawa ng Blog

Kung alam mo na kung bakit ka gagawa ng BLOG at seryoso ka ang susunod na tanong ay BUDGET. Oo! budget para sa paggawa ng blog. Nakadepende din sa budget mo kung anong mangyayari sa blog mo o anong  hitsura, design, at iba pang teknikal na aspeto.

- Kung malaki ang budget at hindi tech savvy o wala masyadong alam sa HTML, CSS, JAVASCRIPT, at iba pang programming language pwede kang magpaggawa ng website o blog. May mga companya na nag ooffer ng iba't ibang web services kasama na ang paggawa ng website, hosting, domain name, email, at iba pa. Ang maganda dito ay ang problema na lang ay ang content ng blog mo at iyon na lamang ang pagtatrabahuhan mo.
- Kung wala masyadong budget o limitado lamang subukan ang Wordpress (yung wordpress.org) little to no coding ito kaya madaling umpisahan at matutunan marami na ring themes at may support pa ang ilan kaya maganda. Para ito sa mga may budget na 1K - 10K dahil kakailanganin mo pa ng hosting at domain name para maging online ang blog mo. Pero bakit .org hindi .com na wordpress? Oo libre ang wordpress.com pero para sa akin ang free version ay hindi mukhang professional at mahal naman kapag paid version tsaka kapag .org ay 100% ang customization at mas flexible ang site mo.
-Kung wala talagang Budget maraming libreng platform gaya ng Wordpress.com, Blogger, Tumblr at marami pang iba ngunit ang tatlo ang pinaka sikat sa lahat. Hindi ko gusto ang wordpress free plan dahil hindi ito masyadong customizable at may wordpress ads. Pero maganda naman ang mga free templates nito na SEO friendly at screen friendly. Blogger at Tumblr ang aking nirerekomenda dahil kung ikaw ay may alam sa web design at programming subukan ang blogger ngunit mahihirapan sa pag-implement ng iba't ibang script at may ibang hindi supported. Kung ikaw naman ay hobbyist o gusto ng personal blog gamitin ang tumblr maraming personal blogs dito na puro experience sa buhay ang naka post. Ang downside sa paggamit ng free services na ito ay ang subdomain, limited customization, less flexible, at kulang sa features at support.

The Best: For starters just try Blogger then buy a domain name (Top Level Domain: .com, .net, .info) I purchase my domain name for $20 USD (less than 1000 PHP) for 3 years. Ang Top Level Domains ay nagbibigay ng mas propesyonal na tingin sa blog. Maraming benepisyo ang paggamit ng TLD gaya ng .com at .net sa SEO, Branding, at iba pa na makapag-boost ng iyong blog o website. Huwag ng gumamit libreng TLD gaya ng .tk hindi na maganda ang imahe ng mga ganitong domain names dahil nali-link ito sa mga poorly created websites, malwares, ilegal na gawain, at iba pa.

Blog Niche
OK alam mo na kung ano ang magagawa ng budget mo alamin mo naman kung anong paksa ng blog o website mo. Dito iikot ang lahat sa iyong blog, ang niche, topic o paksa ay ang sentro ng iyong blog dahil ito ang magiging laman ng iyong blog na babasahin ng mga tao at titignan ng mga webmaster crawler gaya ng Google at Bing. Paano ka pipili ng Niche? Piliin ang niche na competitive at passionate ka at yung gagawin mo sa mahabang panahon. Huwag basta pumili ng paksa na basta lang, "profitable daw kasi", hindi mo alam, at walang connect sa buhay mo.

Ang Niche ay specific na topic o mas tinutumbok ang isang paksa na interes ng isang grupo o market tulad ng Technology, Health, Education, News, at Sports. Narito naman ang ilan sa mga sikat na pinoy blogs o websites sa ilang mga niche:
Technology: YUGATECH
Travel: PINOY ADVENTURISTA
Fashion and Lifestyle: ITSCAMILLECO
Business and Finance: PINOY MONEY TALK
TIP: Mas maganda kung kaya mo pang maging specific sa topic pero malawak pa rin ang sakop na market. Halimbawa kung Technology blog pwedeng magpokus sa Android Blog, Smartphone Blog, Electronics Blog, Programming Blog at iba pa.

Maaring marami kang maging kakumpitensya sa napili mong niche ng iyong blog pero sa ganyan din nagsimula ang karamihan sa successful bloggers ngayon. Kung marami na kayo sa niche na iyon bakit hindi mo subukang gumawa ng gimik sa iyong blog , gawin itong iba , lagyan ng ibang panlasa o pumili ng ibang readers. Halimbawa, kung ikaw ay fashion blogger pwede kang mag focus sa isang sektor o grupo gaya ng mga millenials o teen fashion blog. Isa pang halimbawa  ay kung ikaw ay isang travel blogger pwedeng maging Cheap Travel Guide o Budget Travel Blog.
May iba't ibang paraan upang ang iyong blog ay sumikat o maging matagumpay at lahat ng iyon ay nasasaiyo.

Blog Content / Post

Ang Huli! ANG CONTENT o POST!
Para masimulan ang iyong blog kailangan mo ng post o content. Sa paggawa ng post ay nakadepende sa uri at kung anong gusto mo sa iyong blog (OK blog mo yan). Ikaw ang mag dedesisyon kung ano o paano mo gagawin ang iyong content.

TIP:
Short Posts (100-300 words) - short, concise, and direct yan ang katangian dapat ng short posts ito ay para sa mga nagbebenta, nagpopromote, o entertainment blog (funny, jokes, memes). Madalas nasa 20% lang ng buong content ang binabasa ng isang pangkaraniwang tao sa isang post kaya dapat gumamit ng pictures, infographics, at iba pa upang mas mapataas ang engagement ng mga mambabasa.
Long Posts (1000+ words) - mahaba at maraming impormasyon ang kailangan ng mga info blogs gaya ng News, Know-How blogs, Technology at iba pang blogs na may mensaheng teknikal na dapat ay naipapaliwanang ng maayos, descriptive, at informative. Hinahanap ito ng mambabasa upang may malaman o matutunan kaya dapat lamang itong maging malaman sa impormasyon.

Short posts - not so SEO Friendly
Long Posts - SEO Friendly

Nakasalalay pa rin sa Keywords at dami ng content ang mga crawler ng Google at Bing kaya kung gusto mong maging SEO friendly ang Blog mo ay dapat mag post ka madalas ng mga quality posts.

SA HULI TANDAAN!
- Alamin mo muna sa kung bakit ka gagawa ng Blog
- Resources: Pera, Oras, Computer, Internet ay dapat isaalang-alang
- Niche
- Post o content

Iyan ay ilan lamang sa mga gabay sa paggawa ng Blog para sa mga nagsisimula. Ang ikagaganda at tagumpay ng iyong blog ay nasa iyo lamang.

Huwag gumawa ng ilegal o masamang blog gaya ng Fake News, Unethical Hacking, and Blog that promotes Malwares/Viruses and other similar blogs.


Comments