Bakit Kailangan Mo ng SSD?



Halos kada araw may bago sa mundo ng teknolohiya at kasama na dyan ang isa sa pinakamahalaga ang storage component. Iba't ibang tao ay may iba't ibang pangangailangan kaya nagkaroon ng iba't uri o types ng storage component na nakabase sa speed, storage size, physical size at iba pa. 



Bakit Kailangan Mo ng SSD?
mga imahe mula sa pixabay.com




Ano muna ang HDD?

Ang HDD o Hard Disk Drive ay matagal ng nangunguna pagdating sa storage at hindi mabubuo ang system unit mo kung wala nito. Ang HDD ay isang uri ng non-volatile memory kung saan kahit mawalan ito ng power hindi mawawala ang laman nito kaya dito inilalagay ang mahahalagang software lalong lalo na ang operating system. Ang HDD ay isang electromchanical device kung saan ito may mayroong mga disk na umiikot at mechanical arm upang magread at write. Ang problema sa ngayon ng HDD ay maaring hindi na ito makasabay sa bilis dahil sa pagkakagawa nito. Dahil sa ito'y isang mechanical device darating ang panahon na masisira ito o magkakaroon ng damage sa mga components nito. Ilan ang mga halimbawa na ito sa mga karaniwang problema sa HDD:
- Nawawala / sirang files dahil sa ito ay isang mechanical device maaring nagkakaroon ng problema sa pag-read at write sa disks ng hard drive.
- Bad Sector ang mga disks ay nahahati sa iba't ibang sectors, soft sector at hard sector, na naglalaman ng data. Madalas itong mangyari sa mga HDD at kapag ang hard sector ang nasira wala ng magagawa pa dahil physical damage ito at hindi na marerepair.
- Unti - unting pagbagal nakadepende ang bilis ng pag read at write ng mga HDD sa bilis nag pag ikot ng mga disk o disk RPM (revolutions per minute) at Actuator. Kapag ang alin man dito ang nasisisra o bumabagsak ang performance apektado ang lahat.


Ang bagong alternative: SSD

Ang SSD o Solid State Drive ay isang bagong uri ng storage component kahalintulad nito ang flash drive o usb stick ngunit ito ay mas kumplikado. Ang kagandahan ng SSD sa HDD ay wala itong moving o mechanical parts na maaring makaapekto sa performance nito. Pero paano ito gumagana? ito ay nagtataglay ng flash memory at may embedded processor na siyang nagpoprocess ng read and write capabilities ng SDD. Mas mababa din ang power consumption, heat, at walang noise at vibration dahil sa wala itong moving parts. Bukod sa mga nabanggit ang isa sa pinakamagandang feature ng SSDs ay ang bilis nito marami ang nahumaling ng makita nilang nagboboot ang system ng mas mababa pa sa 15 seconds, nagloload ang mga applications na walang hirap, at marami pang iba.

Ang ilan pa sa kagandahan ng SSD:

- Mas matibay at mas maasahan sa pag-store ng data
- Hindi naapektuhan ng magnet kaya mas safe ang files at hindi madaling masira
- Mas maliit bagay sa mga nagbubuild ng mga mini-pc



Verdict!

Nasasayo pa rin kung saan ka mas kumportable kapag nagbubuild ng pc o upgrade. Kung ikaw ay nagtitipid at gusto mo ng mas malaking storage size HDD ang para sa'yo. Kung ikaw naman ay rich kid mas gusto mo ng mas mabilis at durable na storage component SSD ang piliin mo.

Pero mas maganda ngayon ay gamitin mo muna ang dalawa! Oo gamitin mo ang dalawa! Ito ang ginagawa ng mga hardcore gamers at pc enthusiasts. Bakit hindi mo kunin ang advantages ng dalawa? Pwede ka namang bumili ng 120 o 240 GB na SSD at gamitin pa rin ang HDD mo na luma o bumili ng bago. Ilagay mo ang OS o Operating System sa SSD at mga applications samantalang sa HDD naman ang mga files o documents. Gawin mong main drive ang SDD at secondary naman at HDD. Sa pamamagitan nito makukuha mo ang bilis ng SSD at mura at malaking storage size ng HDD.



IKAW ano sa tingin mo? I-Comment mo!


Share this post to your family and friends!


PLEASE LIKE out FACEBOOK PAGE!

THANK YOU!



Comments