PAANO101: Microsoft Word Keyboard Shortcuts




Sa halos lahat ng trabaho ngayon kailangan maging computer literate at isa sa mga hinahanap ay ang office tools proficiency. Isa sa pinakakilalang tool ay ang Microsoft Word dahil ito ay pinakaginagamit na tool lalo na ng mga gumagamit ng Microsoft Operating System.


PAANO101: Microsoft Word Keyboard Shortcuts
imahe mula sa wikimedia.org

Madalas sa dami ng ating tinatype ay naguguluhan na tayo at gusto nating matapos agad ang ginagawa natin. Ang isa sa nakakapagpabilis nito ay ang paggamit ng keyboard shortcuts. Ang mga ito ay nagpapadali ng mga commands o functions para agad nating magamit. Hindi mo na kailangan na maghanap pa sa menu o tools bar para lamang hanapin ang command na hinahanap mo.



Narito ang ilan sa mga makatutulong na keyboard shortcuts:

* CTRL + A - siniselect ang buong content (magkakaroon ng highlight). Gamitin mo ito kung gusto mong baguhin ang detalye ng content gaya ng font size, color, style at iba pa.

* CTRL + B - ginagawang BOLD ang text na iyong sinelect.

* CTRL + C - kinokopya ang content na iyong sinelect.

* CTRL + D - binubuksan ang font window kung saan makikita ang detalye at pag-edit ng mga font.

* CTRL + E - ginagawang center ang alignment ng sinelect na content.

* CTRL + F - bibubuksan ang find box kung saan maari kang magsearch ng parte na nais mong makita.

* CTRL + I - ginagawang italized ang text na iyong sinelect.

* CTRL + J - ginagawang justified ang alignment ng text.

* CTRL + K - ginagamit kung maglalagay ka ng hyperlink.

* CTRL + L - inaalign ang text sa kaliwa.

* CTRL + M - naglalagay ng indention sa paragraph.


* CTRL + N - nagbubukas ng bagong blank window.

* CTRL + O - pagbubukas ng file.

* CTRL + P - print

* CTRL + R - inaalign ang text sa kanan.

* CTRL + S - pagsasave ng file.

* CTRL + T - gumagawa ng hanging indent.

* CTRL + U - ginagawang underlined ang text na sinelect.

* CTRL + V - paste o paglalagay ng kinopyang content.

* CTRL + W - sinasara ang kasalukuyang nakabukas na window.

* CTRL + X - kina-cut ang content na sinelect.

* CTRL + Y - redo o binabalik ang huling ginawa.

* CTRL + Z - undo o inaalis ang huling ginawa.

* CTRL + SHIFT + F - binabago ang font.

Sana nakatulong sayo ang mga tips na ito!

Kung nagustuhan mo ito Share mo na sa mga pamilya at kaibigan mo.

Kung may gusto kang idagdag comment lang!


 
 

Comments