PAANO101: Mahirap maHack na Password?

Lagi ka bang naha-hack? o sobrang simple ng password mo at gusto mo ng palitan? Isa sa mga SOP o Standard Operating Procedure sa Cyber Security ay ang pagpapalit ng password 3 - 4 times a year. Kaya dapat lagi kang nagpapalit ng password o pin sa mga account mo. Pinapayo din ito ng mga banko at mga social networking sites. Ang pagpapalit ng password ay nagpapababa ng tsansa na ikaw ay ma-hack. 

Hindi ka makapagpalit ng password dahil kabisado at mabilis mo na itong nata-type? Hindi ka makapagpalit dahil hirap kang alalahanin ang mga passwords at hindi ka mabilis makapagtype? O hindi naman kaya dahil sa asawa o girlfriend mo? Yan ang ilan sa mga dahilan kung bakit hindi nakakapagpalit ng regular ang mga Pinoy ng mga password nila.



PAANO101: Mahirap maHack na Password?
Screen Capture mula sa https://howsecureismypassword.net


Kung magpapalit ka huwag ilagay ang mga ito:

* Pangalan - Madalas itong ginagamit dahil sa madali itong matandaan pero ito ang pinakamadaling makuhang impormasyon sa isang tao.

* Birthdate - Gamit mo ba itong pin sa iyong ATM? Palitan mo na dahil ang birthdate ay isa sa pinakakaraniwang pin at ginagamit ito ng mga kawatan upang makapagnakaw ng pera o impormasyon.

* Common Passwords - Huwag ng gamitin ang "password" o "1234567890" dahil may mga hackers na gumagamit ng mga software kung saan mayroong algorithm na pilit at kusang binubuksan ang isang account gamit ang tinatawag na Brute Force Algorthim. Ang mga common passwords ay hindi bababa sa 10s ay mahahack na.

* Sobrang Iksi - May mga sites na kapag nagregister ka ay may minimum characters na hinihingi para sa password kadalasan ito ay nasa 8 characters. Kaya huwag gumamit ng maiksing password mas lalo na ang initial ng pangalan dahil isa rin ito sa mga madaling malaman na password.

* Lumang Password - Kaya nagpapalit ng password ay upang makaiwas sa mga hackers at kung ibabalik ang lumang password ay pinapataas mo lang ang vulnerability ng iyong account.



Facebook Password



Kung magpapalit ka subukang gawin ang mga ito:

* Gumamit ng Uppercase (A,B,C), Lowercase (a,b,c), Number (1,2,3), at Symbol (!,@,#) - Ang paglalaro sa mga characters ay nagbibigay dagdag proteksyon sa iyong account. Ginagawa nitong malayo sa natural language ang iyong password kaya hindi mababasa o madaling malaman ng mga software na naglalayong mang-hack.

Halimbawa:
M1lkyW@y996
ManggangHilaw123$

* Malayo sa Personal mong impormasyon - Kadalasan ito ang pinakamadaling impormasyon na makuha sa isang tao kaya ito rin ang madalas na ginagamit ng mga hackers upang mahack ang isang account. Subukan ang paborito mong libro o character sa mga pelikula na hindi alam ng karamihan o wala talagang nakakaalam.

Halimbawa:
AbnkkbsnplkObobOng
Sup3rM@nReturns

* Unique - Dahil sa Filipino tayo at marami pa tayong alam na dialect mas maganda na umiwas sa English at iba pang common words sa ibang pang mga lenggwahe.

Halimbawa:
w3rnaUd2nm1
ma22l()gnaAk0

* Gawing "JEJEMON" - Para sa mga pinoy na mahilig magtext at gumagamit ng JEJE words madali na itong gawin at para naman sa mga asiwa at naasar sa mga jejemon baka ito na ang pagkakataon para maging jeje. Dahil ang jeje lingo ay gumagamit ng mga numero, simbolo, malaki at maliit na letra. Higit sa lahat napapahaba pa nito ang isang simpleng salita na madaling tandaan.

Halimbawa:
hello po = 3owxz Ph0x
kamusta = Kh@muxth@hX




Ang password ay napakahalagang impormasyon na hindi dapat ibigay sa iba ng basta basta. Ang password ay parang isang susi sa isang kaha na naglalaman ng mahahalagang impormasyon o pera. Sobrang nakakapaminsala ang mahack ang isang account natin dahil maaring gamitin ito upang makapangloko o biktimahin ang mga mahal natin sa buhay. Ang iba naman ay maaring ilagay tayo sa kahihiyan na mahirap takasan. Kaya ngayon palang ay gawing matibay ang password at huwag ibigay sa iba.


LAST TIP!

Ibahin ang password sa mga iba't ibang accounts. Halimbawa, iba dapat ang password mo sa Facebook at sa email account na ginamit mo dito. Dahil kapag na hack ang isa mong account ay maaring mahack ang iba mo pang accounts.

I-hide ang mga personal na impormasyon sa social media sites mas lalo na ang username, phone number, o iba pang impormasyon na ginagamit sa pag-login.







I-Share na ito sa mga Kaibigan at Pamilya!


Huwag kalimutang  I-Like at I-Follow ang PAANO101


Mag-Comment ka na dito kung may gusto kang sabihin o tanong. Masaya ang PAANO101 na makatulong sa'yo : ).

Comments