Mobile Legends Bagong Kinaadikan na MOBA

Ang Mobile Legends ay isang MOBA (Multiplayer Online Battle Arena) isang genre ng video games kung saan ang isang player ay may kinokontrol na character na nasa isang team o koponan na lumalaban sa kabilang koponan. Ang Mobile Legends ay kahawig ng League of Legends na may 5v5 na laban kung saan pipili ka ng hero kasama ang iyong mga kakampi na maaring: Marksman, Tank, Assasin, Fighter, Mage, at Support. 


Mobile Legends: Bang Bang
Screen Capture mula sa Mobile Legends: Bang Bang



Features ng Mobile Legends: Bang Bang!

- Easy Controls for Smartphones - Madali lang ang pagcontrol sa iyong hero kumpara sa pc counterparts ng larong ito. Ang mga skills ay madaling maaccess dahil pareparehas lamang ang kinalalagyan nito ito sa mga hero.

- Brawl Mode -  Kumpara sa regular na tatlong lanes gumagamit lamang ito ng isang lane. Mayroon ka lamang pagpipilian na dalawang hero dito kumpara sa isang mode na maari mong gamitin ang mga nabili at free heroes.

- Classic Strategy Game - Tinataglay din nito ang kinahumalingan na strategy type game ng lahat. Kasama na dito ang team work, hero picks, item builds, at iba pa.

- Sandaling Matchmaking - Siguradong mag-iingay nanaman ang mga Pinoys (Peenoise) dito dahil nakikita ang mga watawat ng iba't ibang bansa. Siguradong mabubuhay ang dugo kapag may Peenoise na kasama. Kadalasan nasa 10 seconds lang ang paghihintay para makasali sa isang match. 

- Offline AI - Kapag ikaw ay matagal ng AFK (Away From Keyboard - kahit tab o smartphone ang iyong gamit) mayroong AI o Artificial Intelligence na papalit sayo at kapag ikaw ay bumalik ay babalik na sayo ang kontrol. Maganda ito dahil  hindi masisira ang laro mula sa mga quitters.


Mobile Legends: Bang Bang
Screen Capture mula sa Mobile Legends: Bang Bang


Maganda ang reviews nito mula sa iba't ibang site at halos 79% na 5 star grade mula sa Google Play. Nakakapanibago na magkaroon ng ganitong laro para sa mga tablet at smartphone users. Dahil ang mga device ay sobrang portable at kinakailangan lamang ng magandang internet connection kaya siguradong papatok ito sa mga pinoy.


Kung ikaw ay isang Dota o LOL player siguradong pamilyar ka na sa larong ito. May mga hero dito na halos parehas sa mga hero o champions ng Dota at LOL. 

Halos lahat ng sumikat ma MOBA ay mga PC games at ito ay isang pagbabago na maganda dahil iba na ang device o medium na ginagamit kung saan halos lahat ng tao ay mayroon. Gaya ng ibang MOBA ang Mobile Legends : Bang Bang ito ay siksik sa strategy at teamwork.



FINAL THOUGHTS:

Maganda ang Mobile Legends marami pa nga ang nagsasabi na isa itong LOL rip-off o gaya gaya lamang. Pero para sa akin maganda ito dahil para ito sa mga smartphone at tablet users at binabago nito ang mga laro para sa mga device na ito. 

Sa pangkalahatan ayos naman ang environment nito para sa touchscreen na device may kaunting problema ngalang sa pag-chat at pagpindot dahil medyo maliit na button.

Para naman sa mga Pinoy Players mukang mabubwisit kayo kapag mabagal ang internet na kailangan pang padyakan dahil 200ms na ping ang minimum para sa magandang laro. 

Yun lamang ang nakikita kong problema para sa mga pinoy players bukod sa ako mid ****.

Para sa system requirements sa Android ito ay dapat ay nasa 4.0.3 or later at para naman sa iOS ay 6.0 or later






Kung nagustuhan mo ang post na ito I-like at I-share ang aming Facebook page.

I-Share din ito sa iyong mga Kaibigan at Pamilya!

Pag - usapan natin ito magcomment ka! Kung may tanong ka masaya ang Paano101 na makatulong sayo comment lang!

Comments

  1. No hack.100% working method to get free mobile legend gems
    easily just register on the above link and start earning free gems and battle points

    ReplyDelete

Post a Comment