Blogging Hindi Madaling Paraan para Kumita ng Pera

Marami ang nagsasabi na ang paggawa ng blog ang isa sa pinaka madaling paraan upang kumita ng pera sa internet. Nagpapakita pa sila ng paycheck o kita nila na umaabot ng $100 pataas. Dahil sa madali ng gumawa ng blog o website ngayon kahit wala kang background sa HTML o CSS marami ang nahuhumaling sa paggawa ng blogs at karamihan ay sumusuko na lamang dahil walang nangyayari sa kanilang blogs.


Blogging Hindi Madaling Paraan para Kumita ng Pera



MGA MALING PERSEPSYON SA BLOGGING

- Easy money o Kita agad hindi na ngayon kagaya dati na mabilis ang kita sa internet (hindi naman talaga madali). Hindi porket may blog ka na ay kikita na ito. Kailangan mo pa ng third party companies, advertisers, o affiliate programs para magkaroon ng income ang iyong blog.

- Basta may Content gawain nito ng mga gusto lamang ng mabilis na kita dahil sa post lamang sila ng post ng mga content na halos wala namang impormasyon na mapupulot. Mali ito at ikasisira pa ng blog. Kadalasan ito yung mga fake news websites na may makakaakit na topic o title para ma-click ng ibang tao. Sa ngayon unti - unti na silang nauubos dahil na rin sa pag review at pag-block sa kanila ng Google at Facebook.

- Kopya BLOG ito yung mga blog na kinokopya lamang ang content nito sa iba. Madalas ay yung mga trending topics ang kinokopya nila para makadrive ng traffic sa site nila. Pero MALI o HINDI ITO TAMA at pwede ka pang makasuhan.



BAKIT HINDI MADALI ANG KUMITA SA BLOGGING KAPAG NEWBIE?


- NICHE o PAKSA milyon na ang mga blog sa buong mundo kaya dapat ay pumili ka ng topic na sa tingin mo ay magiging competitive ka. Napakahirap ng pumili ng topic dahil sa kada niche ay may mga maituturing ng institusyon dahil dito kahit maganda pa ang mga sinusulat mo ay baka hindi rin ito pansinin ng mga tao.

- TRAFFIC dito nakasalalay ang kita ng iyong blog. Ang pagtaas ng traffic o ang mga bumibisita sa iyong blog ay nadadaan sa sipag at tiyaga (higit sa lahat pwedeng libre). Mahirap ito sa umpisa lalo na sa mga bagong blog dahil kailangan mong i-advertise ang iyong blog upang makita ito ng mga target audience mo. 

- Pag -approve ng mga Ad Services madalas baka ito ang naririnig mong pinakamadaling paraan upang kumita ng pera sa pag-blog. Mahirap na ngayong pumasok o magpa-approve sa mga Advetisement Placing Services gaya ng pinakasikat na Google Adsense. Marami silang guidlines na dapat ma-meet ng iyong blog bago ito ma-approve. 

- Walang tiyak na oras kung kailan kikita. May mga blogs na masasabing kumikita na sa loob ng ilang linggo o buwan. May mga blogs naman na inaabot ng isa hanggang dalawang taon bago kumita. Kaya madalas ay hindi tiyak ang kita sa blogging at lagi pa itong naka depende sa napakaraming factors.

- Consistency dapat ang blog mo ay consistent sa topic nito at sa mga contents mo dahil ito ang hinahanap ng mga readers o audience mo. Dapat ay consistent ka rin sa pagpo-post ng mga contents huwag naman yung sobrang dami dapat ay yung sakto lang na content na maganda at well written. Halimbawa: kung ikaw ay nagpa-publish ng 2-3 posts kada linggo dapat ay masundan mo ito.







Huwag kang panghinaan ng loob kung nag-uumpisa ka pa lang sa blogging dahil lahat ng naging successful sa pag-blog ay dinaanan yan lahat. Kung ikaw ay tatamarin na dahil tila walang nangyayari sa iyong blog huwag mo itong sukuan at magsipag ka lang.
Dapat ay maging passionate ka sa ginagawa mo at maniwala ka sa iyong sarili. 


OO totoo na malaki ang kita sa pagblog at maraming iba't ibang paraan pero hindi ito para sa mga tinatamad at madaling sumuko. Kahit hindi ka magaling basta masipag ka at gusto mo ang blogging huwag mong isipin ang kita o perang makukuha mo dito dahil kusa na itong darating sayo o magiging passive na ang kita mo.





May gusto ka bang sabihin? I-comment mo na yan!


Kung nagustuhan mo ang post na ito I-Share mo na ito sa iyong pamilya at mga kaibigan!


PLEASE LIKE OUR FACEBOOK PAGE
THANK YOU! SALAMAT NG MARAMI!



Comments