Mobile Apps para sa mga Commuters sa Pinas

Hindi mo ba alam ang pupuntahan mo? Importanteng meeting ba ito o interview? Isa sa mga kalbaryo ng marami sa ating mga Pilipino ay ang mag-commute mas lalo na sa Metro Manila. Madalas gusto nating maghanap ng alternatibo na masasakyan sa araw - araw. 

Kung taga - probinsya ka at pupunta ka sa Maynila at gusto mong magtipid ng pamasahe maghahanap ka ng PUVs o PUJs para mas mura ang pamasahe kaysa sa taxi na minsan ay nananaga pa ng pasahero (hindi literal). Dahil sa napakagulo dito at traffic pa ang hirap maghanap ng masasakyan at kung hindi mo pa alam ang daan sa pupuntahan mo maliligaw ka pa. Buti na lang ay may mga Mobile Applications na ngayon na makatutulong sa pagco-commute dito sa Pilipinas.

Mobile Apps para sa mga Commuters sa Pinas
Imahe mula sa pixabay.com


1. Sakay.ph - Ginawa talaga ito upang isali sa isang contest kung saan nanalo ito ng Open Community Award. Ang sakay.ph ay isang app na naglalayong makatulong sa paghahanap ng mga ruta papunta sa iyong destinasyon kasama na dito ang Jeeps, Buses, at Trains. Sa ngayon, sinusuportahan pa lamang nito ang Metro Manila at naglalayon din silang i-expand ang sakop nito. Mado-download ang Sakay.ph App sa App Store at sa Playstore pwede mo ring bisitahin ang kanilang website: sakay.ph.

2. TripBarker - isang trip planning web service na ngayon ay may mobile app na rin na available sa Playstore. Gawa ng EACOMM Corporation, ang trip barker ay isang community based na commuter app na hindi lamang nagbibigay ng impormasyon tungkol sa ruta ng sasakyan kung di pati na rin ang weather, traffic, events and points of interest information.

3. Google Maps - Ang Google Maps ay hindi na lamang mapa sa paghahanap ng direction. May kasama na rin itong commuter directions. Ang maganda pa dito ay kung hindi ka pamilyar sa lugar ay pwede mo gawin ang Google Streetview upang makita kung ano ang hitsura ng lugar. Malaking tulong ito lalo na sa mga unang beses pa lamang pupunta sa lugar. Mas mabuting maging pamilyar na sa lugar at iba pang ruta papunta at paalis. 

4. Uber / GrabTaxi - (para sa mga RK) kung hindi mo na talaga alam ang pupuntahan mo at nagmamadali ka na bakit hindi mo subukan ang uber at grab. Marami ng gumagamit nito ngayon dahil sa hindi ka na makikipagunahan sa ibang commuters at walang hassle na paglalakbay sa concrete jungle of Manila.



Kahit saan pa tayo pupunta ang pinakamahalaga ay ang kaligtasan ng byahe natin. Ilang tips sa pagbyahe:
- Huwag kalimutang mag baon ng I.D.
- Magtago ng extrang pera
- Pagnakararamdam ng panganib o hindi mo alam ang lugar umiwas ka na lang
- Magtanong sa mga Otoridad (Pulis, Traffic Enforcers) huwag kung kanino saan saan 



Sana nakatulong ang post na ito sa iyong pagcommute.

Kung nagustuhan mo ang post na ito I-like at I-share ang aming Facebook page.

I-Share din ito sa iyong mga Kaibigan at Pamilya!

Pag - usapan natin ito magcomment ka! Kung may tanong ka masaya ang Paano101 na makatulong sayo comment lang!

Comments