Malware sa iyong Smartphone!

Maraming eskperto ang nagsasabing milyong smartphone ngayon ang infected o mayroong mapinsalang malware.Ano ba ang MALWARE? - ito ay ang general term para sa kahit anong software na may layuning sirain ang normal na proseso ng isang software upang makapaminsala. 


Malware sa iyong Smartphone!


Ilan sa mga senyales na ang iyong smartphone ay may malware:

- Bumabagal ang iyong phone dahil may nadadagdag na proseso ang mga malware ay madalas na nagpapanggap na legit process kaya hindi agad mahahalata. Bumabagal ang phone dahil sa kumakain ito ng memory at process time, sumasabay ito sa ibang apps na ginagamit mo.
- Mabilis na pagkaubos ng battery charge kaysa normal dahil na rin sa maraming proseso ang ginagawa ng cpu na nagreresulta sa mas mataas na power consumption.
- Mas mataas na data usage may mga malware na nangunguha ng impormasyon sa pamamagitan ng internet.
- Advertisements na biglang lumalabas ang pinaka madalas na nangyayari madalas na nagkakaroon ng pop-ups kapag ikaw ay nag-susurf o di naman kaya ay kahit sa home screen mo ay may mga ads na rin.
- Biglang nagda - download ng apps ito ang nagiging problema ng karamihan sa kanilang smartphones kapag nagkaroon ng malware ang kanilang smartphone. Na-bypass na ng malware ang phone security mo kaya madali na itong nakakapagdownload ng mga apps.
- Hindi na gumagana ng maayos ang ibang apps dahil sumasabay ito sa paggamit mo ng apps madalas nangunguha ng impormasyon. Ang iban naman ay nagpapakita ng advertisements kaya hindi mo magamit ng maayos ang iyong app o ang smartphone mismo.


Dahilan kung paano mo nakuha ang malware:

- Pag-iinstall ng untrusted apps na hindi galing sa trusted sites gaya ng App Store nagpapanggap madalas ang mga malware infected apps kaya karaniwan nilang ginagaya ang most downloaded apps gaya ng facebook at iba pang social apps. Kung minsan naman ay ito yung mga hack version ng mga games.
- Pagbisita sa mga untrusted websites na biglang magsasabing infected ang iyong device (huwag i-click ang yes o download) hindi naman talaga nila na i-scan ang iyong phone at ginagamit lamang nila ito upang ma download mo ang malware. Kasama na dito ang biglang nagsasabing nanalo ka ng premyo o free premium app.
- Pagpasa pasa ng files ang pagpasa ng mga infected apps ay siguradong makakaapekto sa smartphone mo ngunit hindi pa napapatunayan kung may virus na pangsmartphone na kayang i-replicate ang sarili.


Mga paraan upang maiwasan ang pagkakaroon ng malware:

- Huwag mag-install ng apps na galing sa untrusted sites lalo na yung mga hack version ng mga games o yung mga normal na apps na makikita naman sa Play Store.
- Mag-install ng security apps makakatulong ito sa pag detect ng potential damaging software o malicious software na maaring makapaminsala sa iyo. 
- Huwag magpapasa ng apps basta basta hindi mo alam kung yung app lang ba yung nakopya mo dahil hindi naman madalas nakikita ito. Isang paraan upang malaman ay tignan yung software size kung tugma sa talagang size nito kapag mas mataas kahit ilang Kb lang huwag mo ng iinstall




I-Like at I-Share Paano101 Facebook Page


I-Share mo ito sa iyong mga Kaibigan at Pamilya!


Comment ka dito sa topic na ito!





Comments