Internet Plans sa Pinas 2016


Internet Plans sa Pinas 2016



Internet Plans sa Pinas 2016


Naghahanap ka ba ng murang internet plan para sa bahay, trabaho, o negosyo? SOBRANG mahal at HINDI pa maganda ang serbisyo ng mga ISPs o Internet Service Providers dito sa Pinas gaya ng PLDT, GLOBE, at SKY Broadband. 

Anu - ano nga ba ang dapat nating tignan sa mga ISP na ito at sa mga internet plans nila?

PRICE - Unang - una halos lahat ng tao ay ito muna ang tinitignan lalo na yung may mga limitadong budget. Dahil sa halos walang kumpetisyon sa larangan ng telecommunications dito sa Pilipinas, wala halos pagpipilian ang mga consumer na may malaking demand sa paggamit ng Internet kaya hindi maibaba ng mga ISP ang presyto dahil alam nila na kahit mataas ang presyo ay kakagatin pa rin ito ng mga tao dahil no choice sila kung hindi sa kanila kumuha ng serbisyo. (MONOPOLYO!!!)


SPEED - Importante ito mas lalo na sa mga nagnenegosyo, nagtatrabaho sa mga bahay nila lalo na sa mga gamers na umiiyak ang mga 'ping' nila at hindi makakuha ng magandang laro ( - mmr  BWAHAHAHAH). Mas mabilis na internet connection mas mahal at limitado lamang ang mga area/lugar na mayroon nito gaya ng fiber o LTE connections. Mabagal ang internet speed dito sa Pilipinas dahil sobrang bagal mag-upgrade ng mga facility ang mga kinauukulan at laging may problema. Kaya tignan muna ang inyong area at maghanap ng ISP na nagpoprovide ng mabilis na serbisyo.

DATA CAP - Ito ay *************** . Ang data capping ay ginagawa ng mga ISP upang limitahan ang consumer sa paggamit ng serbisyo base sa kanyang binabayad. Kaya maaari kang makakita ng mura at sobrang bilis na promo o plan pero mayroong data cap.

Halimbawa ng magagawa mo sa 1 GB na data:


  • 80 Youtube Videos (Average Youtube Video: 4 mins)
  • 4000 Facbook Posts
  • 400 Songs
  • 52000 Chat Messages
    • Based on Smart GIGASURF50 promo

RELIABILITY - (No Comment). 


Ito ang ilan sa mga Internet Plans ng PLDT, GLOBE at SKY:

PLDT:

PLDT DSL PLANS

Kung naghahanap ka ng may kasamang landline ang DSL ang para sa iyo. Mas reliable ito kaysa sa wireless minsan kahit brownout gumagana pa ito. Medyo may kamahalan para sa speed at may data cap pa yung speedster plan 1299. Okay naman yung FAMPLAN 1299 kung pang bahay lang at 1299 lang talaga ang babayaran kada buwan kung babayaran mo na agad ang router at installation fee. Hindi kagaya ng FAMPLAN 999 na hindi naman talaga 999 ang babayaran mo "PANGALAN LANG NG PROMO" aabot talaga ng 1700 php ang babayaran mo kada buwan dahil sa additional na 700 na Landline fee.

PLDT ULTERA PLAN


PLDT Ultera plan 999 ito ay wireless LTE connection kaya tignan muna o magresearch tungkol sa area nyo kung maganda ang LTE connection. Mabilis ito lalo na sa Makati, Mandaluyong, Pasig, San Juan, at Pasay area.

PLDT FIBR

Ang PLDT Home FIBR marami ng lumilipat dito lalo na yung mga may kailangan ng mabilis na connection. May kasama pa itong iflix kung saan ka makakapanood ng mga tv series at iba pa.



GLOBE:

GLOBE BROADBAND PLANS


Mas mura at mas mabilis ang internet speed ngunit base sa mga nakikita ko sa Facebook at iba pang social sites ay may issue ang Globe sa ibang mga areas mas lalo na sa labas ng Metro Manila. maganda ang  freebies nila lalo na sa plan 1299 UP dahil may kasama itong landline na may unlicalls sa TM/Globe. 



SKY:

SKY BROADBAND


Maganda ang offer ng SKY dahil pang-bahay/pang-pamilya talaga ito. May kasama itong tv cable na may iba't ibang channels at may internet ka pa. Limitado pa lamang ang area of coverage ng SKY. 





















COMMENT BELOW!

SHARE THIS TO YOUR FRIENDS!


P.S. DI KO MAKITA YUNG SA BAYANTEL TSAKA YUNG MGA PLANS NILA (MERON PA BA?)

Comments