CHEAP COMPUTER PARTS PH

Naghahanap ka ba ng murang computer components, peripherals, accessories, o iba pa? Gusto mo bang bumuo ng PC na limited ang budget pero high performance? O naghahanap ka ng bagong labas na mga parts para sa upgrade?


CHEAP COMPUTER PARTS PH
Image from freeimages.com



Maraming nagbebenta ng computer parts dito sa Pinas, may mga institusyon na o iba naman bago pa lang dito sa business. Pero maraming nagkakatalo sa presyo at service



1. Gilmore - Noon hanggang ngayon dito sa Gilmore ka pa rin makakakuha ng mura na computer parts. Bakit mura sa Gilmore??? para sa akin ay dahil sa kumpetisyon kapag maganda ang kumpetisyon bumababa ang presyo at gumaganda ang service ng mga stores. Madalas kapag bumili ka dito ng marami makakatawad ka pa at makakakuha ng mga freebies kaya naman marami pa ring dumadayo dito sa Gilmore para sa computer components.


2. Easy PC - Based sa website at facebook page nila nag bebenta sila ng mas murang parts kaysa sa ibang stores. Meron din silang mga promo bundles gaya ng procie + motherboard na mas mataas ang presyo kapag binili ng magkahiwalay. Nag ooffer din sila ng shipping kaya kung mas mahal ang pamasahe mo o nasa malayo at hassle ang pag punta mas maganda ang magpadeliver sa kanila. Meron din silang tinatawag na easyfix warranty na maganda. Problem lang ay yung mga pinopost nila madalas wala silang stock o hindi pa available sa lahat ng branch.


3. TIPID PC - Pangalan pa lang alam mo na kung bakit ito nasa listahan na ito. Hindi ito store o online shop, ito ay isang buy and sell website na may magandang community. Sa website na ito nakapost ang iba't ibang computer components at peripherals na madalas ay mga seconhand kaya mag-ingat sa pagbili. Kung ang hanap mo naman sa secondhand na mga gamit at reasonable ang price try mo na itong tipid PC. 

4. Facebook Groups / Pages - maraming nagbebenta dito ng mga computer parts and accessories dahil unang una internet lang ang kailangan tsaka wala pang tax. Pero mag-ingat dahil maraming bogus at manloloko dito. Tignan muna ang reviews o magtanong sa mga nakabili na kapag hindi ka sigurado wag mo ng ituloy mas lalo na sa mga hindi meet ups.


5. OLX - Madalas maraming mura dito pero hindi sigurado sa quality at service. Nareregulate naman ng OLX ang sellers kaya legit naman yung mga binebenta. Browse - browse lang baka mahanap mo rin ang hinahanap mo.


6. PC Express - Isa sa mga matagal na dito sa Pinas na nagbebenta ng computer parts. Mas maganda kung i-check mo yung mga promos nila.


7. Dynaquest PC - Ang benchmark para sa presyo at serbisyo (para sa akin). Maganda yung website nila kung titignan mo yung PC build mo makikita mo na rin yung presyo kaya magkaka-idea ka na kung magkano yung presyo ng PC na bibilhin.





Huwag kalimutan mag search at compare ng prices. Mag window shopping ka muna at kapag sure ka na dun ka na lang bumili. Huwag kalimutan mag tanong (kung may Ritemed ba nito XD ) sa mga experts o computer enthusiast ng mga alternatives at value for money ng bibilhin mo.





Share mo ito sa mga Kaibigan at pamilya mo na naghahanap ng bibilhan!



COMMENT KA TUNGKOL SA TOPIC NA ITO!

Comments