Best Tech Companies for OJT in PH

Ang post na ito ay para sa mga naghahanap ng INTERNSHIP o OJT sa mga Tech Companies o yung mga kumpanyang technology based ang mga produkto o serbisyo. Ang hirap maghanap kung saan mag oojt lalo na sa field na ito dahil kakaunti lamang sa Pinas ang mga kumpanyang nagbibigay ng magandang internship program para sa mga IT, CS, CpE, o iba pang tech related programs.


OJT Philippines


TIPS MUNA!

 * Resumé - Be honest wag lagay ng lagay to impress (baka maglagay ka ng proficient ka sa isang programming language tapos hindi naman pala . . .  : / ). Ilagay lang ang kailangan (baka ilagay mo pa yung breastfeeding seminar na sinamahan mo) hindi naman pahabaan yan. Just make it neat and very professional. (Hindi ako HR)

* Company Research - tinatanong nila sa interview kaya dapat ready. Tinetest din nila yung impression mo sa company kaya madalas itanong ito tsaka ikukumpara mo sa competitors nila. Dapat alam mo din yung ginagawa ng kumpanya o anong linya ng negosyo.

* Be Healthy - Napasa mo yung exam pati yung interview tapos sasabihan ka ng "based on your medical exam you are not fit to work here". (Aray bes : ( . . . ) maraming kumpanya required ang medical exam plus drug test yung iba naman may NBI pa (WOW).

LAST . . . . . . .  OJT ito kaya go for the training not allowance dahil magagamit mo yan sa hinaharap. Pero madalas yung may magandang internship program maganda din yung allowance. Be Patient matagal at maraming ginagawa kaya hanggang maaga pa apply na, mga 5 - 6 weeks before magstart yung sem. Tandaan bukod sa konti ang kumpanya marami rin kayong naghahanap ng OJT (sorry na lang sa mga nag calendar shift yung dating summer internship kasabay na ngayon ng ibang school na June ang pasukan : (  kaya madalas hindi na tumatanggap yung mga companies).


Ilan lamang ito sa mga I.T. companies dito sa Pinas na may magandang review sa internet.


1. IBM - isa sa mga nangungunang I.T. company sa buong mundo. Tumatanggap sila ng mga interns based sa website nila pero medyo matagal mag reply, pwede ring mag walk - in kana para sa application. May magandang exposure dahil globally competitive ang kumpanya. Mas maganda kapag nasali ka sa mga projects o mga technical stuffs. May allowance sila at maganda 'daw' ang working environment.

2. Accenture - hindi lamang call center ang Accenture kung hindi nasa software development din sila.  Mayroon din silang magandang internship program dahil sinasali nila ang mga intern sa isang project mostly software development. Wag kang mag alala kung hindi ka magaling mag program dahil may training naman sila. Baka ma-hire ka kapag magaling ka madalas kasi naghahanap sila ng future employee kaya masasama ka sa talent pool nila. May allowance din : ) . 

3. PLDT / Smart - para sa mga CISCO LORD o yung mga mahilig sa networking (hindi yung 'tara kape tayo'). Hindi natin maikakaila na itong dalawa na ito ang pinakamalaking telecom dito sa bansa. Tandaan mag-apply as an intern for the department or position na gusto mo madalas kasi baka sa ibang deptartment ka mapunta kaya sabihin mo kung anong gusto mong work at san ka kumportable (hindi bossy yung dating). Maganda kung  mapapasok ka sa networking side ng kumpanya. 


4. HP Philippines - di ko sure yung ginagawa pero maganda daw yung allowance at training. HP is a well known company kaya di maikakaila na isa ito sa pinaka hinahanap ng mga pinoy  para mag work o OJT. Maganda dito tumatanggap daw talaga sila ng interns.

5. NetworkLabs Inc. - maganda daw yung office sa Technohub Q.C. puro programming ang ginagawa kaya kung magaling ka sa codes (base sa nakita ko c at c++). Not sure about allowance but based on the people here on the internet the training is good (4/5).

6. Fujitsu - maraming proseso pero worth it naman daw. Mahirap daw yung exam at series of interviews  kaya dapat paghandaan. Pero pagkatapos mong pagdaanan ang hiring process maganda at sulit ang training sa kanila. 

7. Emerson - para sa mga engineering students. Puro magaganda ang reviews dito sa emerson. May mga nagsasabing networking ang ginagawa nila kaya kung mag pursue ka nang career sa networking dito ang magandang training.



Notable mentions:
TrendMicro (Philippines), Inc.

Azeus Systems Philippines Limited
GLOBE
Misys Philippines
Novare Technologies




Based lamang ito sa mga nakalap kong impormasyon sa internet maaring hindi 100% totoo ang mga impormasyon dito.



Ikaw san ka nag / mag- oojt?

Comment mo na!

Share this to your friends and family!!!'



Comments