Pinakasikat na Android Games ngayong 2016



Pinakasikat na Android Games ngayong 2016

Pinakasikat na Android Games ngayong 2016

Narito ang lima sa pinakasikat na Android Game ngayong 2016!

POKEMON GO:

Ang larong pinakahihintay ng lahat! Mga batang 90's o early 2000's magsilabas na kayo! Naalala nyo pa ba ang gameboy color o advanced ninyo dati? Ang Pokemon Go ay isang location - based augmented reality game kung saan kinakailangan ng GPS ang iyong device upang malaro ito. Ito ay ginawa ng Niantic, Inc. at mada-download sa mga Android at IOS devices. Tignan dito kung maari mong magamit ang Pokemon Go para sa iyong Android Device:

System Requirements for Android Devices
  • Android 4.4 to Android 6.0.1 (Android N will not supported until the official Android release)
  • Preferred resolution of 720x1280 pixels (Not optimized for tablet)
  • Strong internet connection (Wi-Fi, 3G, or 4G)
  • GPS and Location Services
  • Intel CPUs are not supported

CLASH ROYALE:

Ito ang hinahanap ng mga strategist at tacticians na mga gamer. Ang Clash Royale ay isang multiplayer mobile strategy game na ginawa ng Supercell. Ito ay hango sa Clash of Clans na ginawa rin ng Supercell na sumikat nitong mga nakaraang taon at kinaadikan ng halos lahat ng mga smartphone users. Sa larong ito kinakailangan na protektahan ang iyong mga tower at sirain naman ang sa kalaban upang magwagi. Ang mga karakter na kagaya ng sa Clash of Clans  ay kinakailangang makolekta na nasa cards upang lumakas ang iyong deck. Tignan mo ang system requirements kung pasok ang iyong phone:

System Requirements for Android Devices
  • Android 4.0.3 and up
  • Strong internet connection (Wi-Fi, 3G, or 4G)
  • 0.5 GB of RAM (1GB or more recommended)
  • A screen resolution of 800x480

POCKET MORTYS

Mga fan ng Rick and Morty ito ang Android game para sa inyo . Ang Android Game na ito ay inilabas noong January ngayong taon at may rating na 4.5 out of 5 sa Google Play. Ang Pocket Morty's ay isang role playing game na ginawa ng Big Pixel Studios at kahalintulad ng sikat na laro na Pokemon kung saan ikaw ay mangongolekta ng Mortys at badges. Ang palabas na Rick and Morty ay mala-science fiction ang laro ay kinakailangan ng kaalaman sa science, strategy, at tactics upang mapagtagumpayan ang mga quests. Ito ang system requirements ng laro para sa mga Android Devices:

System Requirements for Android Devices
  • Android 4.0 and up
  • Game Size: 91.5 MB
  • Maaring hindi gumana sa iyong device ang larong ito dahil may mga bugs pa silang inaayos ang huling update ay noong August 2, 2016.

SLITHER.IO

Naalala mo pa ba ang paborito mong laro sa lumang Nokia Phone dati? Snake ba yan? Kung oo siguradong magugustuhan mo ang Android Game na ito. Ito ay isang MMOG (Massively Multiplayer Online Game) at nakilala bilang isa sa pinakasikat na browser game. Ang layunin sa larong ito ay magpalaki sa kinokontrol mong ahas na avatar sa pamamagitan ng pagkain ng mga pellets upang hindi makain ng ibang player. Kapag ikaw na ang pinakamalaki sa server na iyong napasukan ikaw na ang magiging boss doon at wala ng makakakain sa iyo na ibang player. Kumain o maging pagkain iyan ang Slither.io. Hindi naman mataas ang system requirements ng larong ito kaya laro na!

S
ystem Requirements for Android Devices
  • Android 2.3 and up
  • Game Size: 19.5 MB
  • Wika: English

CRASHLANDS

Gusto mo ba ng action-adventure role-playing game na may magandang istorya sa mundo ng mahika? Bakit hindi mo subukan ang Crashlands na gawa ng Butterscotch Shenanigans. Maganda ang review ng mga users sa Google Playstore at nakakuha ng 4.8 out of 5 na rating. Maganda rin ang graphics at user interface ayon sa mga gamers at reviewers at ito ay makakaadik din. Hindi gaano mataas ang requirements ng larong ito kaya't magaan lamang ito at hindi masyadong matakaw sa memory:

System Requirements for Android Devices
  • Android 2.3 and up ( Recommended: Android 4.1 or newer)
  • At least 1GB RAM
  • At least 960x540px screen resolution
  • Game Size: 59 MB

I-Like at I-Share ang post na ito!
I-Like at I-Share din ang aming website sa Social Media ito ay malaking tulong sa amin upang lalong mas mapabuti ang site na ito.


Comments