Online Tools Para Sa Mga Nasa Kolehiyo




Online Tools Para Sa Mga Nasa Kolehiyo


“It is not about the technology; it’s about sharing knowledge and information, communicating efficiently, building learning communities and creating a culture of professionalism in schools. These are the key responsibilities of all educational leaders”. – Marion Ginapolis



Online tools for College Students
imahe mula sa pixabay.com


Ang teknolohiya ay may malaking maitutulong sa pag-aaral ng bawat estudyante. Gamitin ang iyong computer o smartphone at internet para sa pag - aaral. Narito ang ilan sa mga online tools na dapat ay mayroon ka bilang isang estudyante sa kolehiyo:

1. E - Mail


Ang E- Mail ay para sa propesyonal na pakikipagkomunikasyon. Bilang isang estudyante na malapit ng pumasok sa mundo ng mga propesyonal ang E - Mail ay isang kasanggang maasahan dahil narerecord nito ang iyong mga pakikipagusap sa ibang tao at mga dokumento. 
Tandaan!: Gumamit ng username na malapit sa iyong pangalan at huwag gumamit ng jejemon, emo, o mala-anime na username.
Halimbawa:
Pangalan Juan Dela Cruz
Wastong E - Mail Address - juandelacruz@mail.com
Maling E - Mail Address - Bhozxs_1andonly_venteAWTSU@jeje.com (WAG na WAG lalo na sa resume!)

Ilan sa mga libreng online mail tools ay ang Google Mail at Yahoo Mail.

2. Online Storage o Cloud Storage


Nasabi o narinig mo na ba ang mga katagang Nawawala Flash Drive ko nandun yung assignment ko o di naman kaya ay Na-Corrupt yung lahat ng files ko sa laptop thesis pa naman to. Nakakatakot di ba? Ito ay mabisang paraan upang maiwasan ang mga ganoong pangyayari. Gumamit ng Online o Cloud Storage, dito inilalagay mo ang iyong mga documents o files sa isang server sa internet kung saan makukuha mo ito kahit saan basta may internet. Mabisa din itong backup tool para sa iyong pinaka-iingatan na mga files at hindi maapektuhan kung magkakaron ng malware ang iyong computer o flash drive.

Ilan sa mga sikat at pinagkakatiwalaang Could Storage ay: Google Drive, Dropbox, One Drive, at Mega.

3. Social Network Account

"No man is an island"
Kahit anong gawin mo sa 4, 5, o higit pang taon mo sa kolehiyo ay kakailanganin mong makipag-socialize. Lalong lalo na kapag may group work, research, presentation at iba pa. Hawak mo ang oras mo sa kolehiyo kaya madalas sa bahay ka na gumagawa ng homework at minsan hindi mo maalala ang assignment ng propesor mo sino ang tatawagan mo? At kung ikaw ay lumiban sa klase dahil nagkasakit, emergency, o nagcutting ka kailangan at responsibilidad mo na alamin ang nangyari sa klase.

Ang pinakasikat ngayon ay ang Facebook nariyan din ang Twitter at Google Plus. Siguraduhin na kaibiganin ang mga kaklase at kung maari ay pati na rin ang mga propesor.

4. Online Office Tools


Nagbigay ng notes ang propesor mo o di kaya ay may presentation ka, ito ang makatutulong sa'yo. Ang online office tools ay mayroong word, spreadsheet, presentation, at iba pang kinakailangan sa pagaaral. Makakatulong ito sa'yo kung may kailangan kang i-edit o di naman kaya ay basahin. 

Ilan sa mga Online Office Tools ay Google Docs, iWork, at Office Live Workspace.

5. Plagiarism Tools


Marami ng bumagsak sa mga subject nila dahil sa plagiarism. Unang una labag ito sa batas. Pangalawa ang pagcopy paste ng mga content sa internet ay ginagawa kang tamad. Kaya wag kang magugulat kung ang final paper mo ay nakakuha ng 5.0 o bagsak na marka dahil matatalino ang mga propesor dahil mayroon na ring anti plagiarism checker tool silang ginagamit. Kaya sa bawat ipapasang research o essay siguraduhing i-check muna sa internet kung may kaparehas kang gawa. Kung hindi maiiwasan laging ilagay ang source o referrence ng iyong gawa.


Sana ay nakatulong saiyo ang mga paraan na ito.

Kung nakatulong at nagustuhan mo ang post na ito i-Like at i-Share ito sa mga kakilala mo! Huwag kalimutang i-like at i-share ang blog na ito!

Comments