High Paying Adsense Keywords 2016


High Paying Adsense Keywords 2016


Adsense ang isa sa pinakasikat na programa upang kumita ng pera sa internet sa pamamagitan ng advertisements. Kung ikaw ay may website at nais mong kumita ng pera maaring narinig o sinubukan mo na ang adsense. Kung oo, ang kita mo ba ay Ad - Cents??? hindi ka ba makapuno ng 100 dollars para sa payout??? Kung ganoon isa ang keywords sa dapat mong matutunan.

Ang KEYWORDS ay ginagamit ng Google Search upang ibigay sa mga users ang pinaka may kaugnayan sa inilagay na text sa search bar. Ginagawa ito ng Google upang maibigay ang pinakamagandang user experience para sa lahat. Ang Google ang pinakaginagamit na search engine ngayon kasunod lamang ang Bing, Yahoo, at Ask. Kung ang iyong post ay hitik sa isang keyword na hinahanap ng mga nagsesearch malaki ang tsansa na ikaw ay mapasama sa search results. (Tandaan: Hindi nakakaepekto ang meta keywords sa Google Page Ranking ng iyong website o blog).

Ang KEYWORDS din ang nagiging basihan ng iyong  CPC o Cost per Click. Ang CPC ay ang kita mo sa kada may magclick ng advertisements sa iyong website o blog ngunit ito ay iba - iba depende sa advertisers. Narito ang ilan sa nga niche, paksa, o topic na may pinaka malaking CPC sa adsense:

1. Insurance (CPC $50) - kung ang iyong website o blog ay nasa insurance o malapit na paksa malaki ang iyong kikitain. Kung hindi naman ay gumawa ng post na may insurance na malapit sa iyong paksa. Halimbawa: kung ang website o blog mo ay tungkol sa health gumawa ng post tungkol sa health insurance o kung ang blog mo ay travel blog bakit hindi subukan ang travel insurance. Tiyak na tataas ang CPC ng iyong website o blog.

Adsense Keywords 2016 - Insurance

2. Lawyer / Attorney (CPC $47) - bakit mataas ang CPC? dahil sa paksang ito ay maraming advertisers na mas nagbabayad ng malaki. Tandaan nakasalalay sa mga advertisers ang halaga ng CPC at ang lawyers na keyword ay binabayaran ng malaki ng mga advertisers.

Adsense Keywords 2016 - Lawyer

3. Mortage (CPC $47) - Mataas ding magbigay ang mga may kinalaman sa banking and finance at isa mga keywords na may mataas na CPC ay ang Mortage. 

Adsense Keywords 2016 - Mortage

4. Loans (CPC $44) - Ang mga keywords sa niche na tungkol sa business, banking, at finace ay may malaking CPC dahil mahal ang ads at kakaunti lamang ang mga high quality post tungkol sa niche na ito kumpara sa Entertainment at Arts and Crafts kaya mas kaunti ang website o blog sa isang niche ay mas mahal ang CPC.

Adsense Keywords 2016 - Loans

5. Recovery / Rehabilitation (CPC $40) - Mataas din ang mga keywords na may kinalaman sa medicine at health lalo na sa Clinical Psychology. 

Adsense Keywords 2016 - Rehabilitation

6. Software (CPC $35) - Ang technology ay hindi pa rin mawawala sa Internet dahil ito ay parte nito. Maraming nagsesearch ng may kinalaman sa software lalong lalo na sa mga mobile software applications mgayon dahil sa laganap na paggamit ng smartphones. Siguraduhin lamang na updated ang iyong posts.

Adsense Keywords 2016 - Software

Bukod sa paggamit ng mataas na CPC na keyword mahalaga din ang density nito sa iyong posts. Ang density ay ang dami ng beses na nagamit ang isang salita sa iyong post o frequency. Dito nalalaman ng Google na ang iyong post ay may kaugnayan o relevant sa paksang iyon.

Mas mahalaga sa density ay ang meaning at quality ng iyong post maaring hindi ito nakabatay sa haba o dami ng salita kung hindi sa nilalaman nito. Dahil noong 2013 sinimulan ng Google and Semantic Search na naglalayong hanapin ang kaugnayan ng bawat salita sa isang post upang matukoy kung para saan ito. Dito natutukoy ng Google kung ano ba talaga ang hinahanap ng searcher at ibibigay ang pinakamalapit na sagot sa tulong ng meaning na ininterpret nito.




Sana ay nakatulong saiyo ang mga paraan na ito.

Kung nakatulong at nagustuhan mo ang post na ito i-Like at i-Share ito sa mga kakilala mo! Huwag kalimutang i-like at i-share ang blog na ito!




Comments