Ano Ba Ang Airplane Mode?



Ano ba ang Airplane Mode?


Ikaw ba ay sasakay ng eroplano? Gusto mo bang patagalin ang battery life ng iyong device? Di naman kaya ay pabilisin ang pagcharge ng iyong Android phone, Ipad, Iphone, o tablet? O  gusto mo ng walang istorbo dahil ikaw ay nasa meeting o klase? Baka gusto mo lang mapagisa? Tignan kung ano ba talaga ang Airplane Mode at kung ano ang magagawa nito sa'yo.
Airplane Mode

Ang Airplane mode kapag inactivate ay tinatanggal ang wireless capabilities ng iyong android smartphone, tablet, o maging sa Apple devices. Kasama sa wireless capabilities ang Wi-Fi, Bluetooth, Cellular Data, at GPS ( Global Positioning System ).

Ginagawa ito sa mga eroplano sa maraming bansa lalong lalo na sa mga commercial flights dahil nakakaapekto ito sa mga sensors ng mga eroplano na maaring pagmulan ng problema sa komunikasyon at iba pa. Ngunit sa makabagong panahon ay unti unti na ring pinagaaralan na hindi na nakakaapekto ang signals na ginagamit ng iyong devices gaya ng android phone, ipad, iphone, o tablet sa eroplano. Mayroon na rin kasing in-flight Wi-Fi at pinapayagan na rin ang short distance communication gaya ng Bluetooth sa mga eroplano kaya mapapansin na maaring gamitin ang Wi-Fi at Bluetooth kahit nasa Airplane Mode.

Benepisyo ng Air Plane Mode


Ang isa sa pinakamalaking benepisyo ng Airplane Mode ay ang Batttery Saving. Nakakatipid na ng enerhiya dahil dini-disable ng Airplane Mode ang ilang hardware functions ng iyong device. Kaya kapag ikaw ay nagcha-charge ng Android phone o Iphone bakit hindi subukang i-enable ang Airplane Mode sa iyong nasabing device.Alam mo ba na malakas magdrain ng enerhiya ang radio capabilities ng iyong phone gaya ng Wi-Fi, Cellular Data, Bluetooth, at GPS kaya naman huwag itong i-on ng sabay sabay. Halimbawa, kung ikaw ay nagbabasa lamang sa iyong tablet o smartphone na hindi gumagamit ng internet upang makatipid ng enerhiya sa batterya i-enable ang Airplane Mode sa iyong device.

Paalala kapag in-activate mo ang Airplane Mode ay hindi ka makakareceive  ng anumang cellular data kasama na rito ang SMS, MMS, Incoming Callls, at iba pa. Maganda itong gamitin kapag ikaw ay nasa ibang bansa dahil maaring lumobo ang iyong phone bill o mawala ang iyong prepaid load dahil maaring hindi mo sinasadyang  mabuksan ang iyong data connection.

Maganda rin ito kung gusto mong kumawala sa mundo at mapag-isa. Walang makakakonekta saiyo ng hindi pinapatay ang iyong phone. Marami bang umiistorbo sa'yo at gusto mong gawin ang nais na walang istorbo subukang buksan ang AIrplane Mode. Ikaw ba ay nasa importanteng meeting bukod sa pagsilent at auto-reply subukan din ang Airplane Mode dahil sa madali itong i-activate at i-deactivate. Kung ikaw naman ay nasa klase at terror ang iyong propesor Airplane Mode ang iyong kasangga. 

Mas napapabilis din nito ang pagproseso ng iyong device lalong lalo na sa mga offline applications dahil karamihan dito ay puro advertisements. Kung ayaw mo ng advertisements na biglang sumusulpot habang nakakatipid ng enerhiya sa baterya i-activate ang Airplane Mode sa iyong Android, Ipad, o Iphone kapag ginagamit ang offline applications o yung mga apps na hindi kailangan ng internet para gumana. Nakatitipid ka na sa enerhiya nawawala pa ang mga hindi mo gustong advertisements na kadalasan ay nakakaapekto na sa iyong productivity.



Ngayon bakit hindi mo subukan na ang Airplane Mode.

Sana ay nakatulong saiyo ang mga paraan na ito.

Kung nakatulong at nagustuhan mo ang post na ito i-Like at i-Share ito sa mga kakilala mo! Huwag kalimutang i-like at i-share ang blog na ito!





Comments