Pataasin ang Traffic ng Blog gamit ang Social Media: Facebook



Pataasin ang Traffic ng Blog gamit ang Social Media: Facebook


Pataasin ang Traffic sa Blog gamit ang Social Media: Facebook
imahe mula sa freeimages.com
Ang Facebook ay isa sa mga pinakaginagamit na Social Media Site sa buong mundo. Ayon sa statistica.com, ang Facebook ay may 1.65 na bilyong tao ang aktib na gumagamit buwan-buwan. Kaya isa ito sa mga target ng mga advertisers upang mapalapit sa mga tao. Ngunit ano - ano nga ba ang mga paraan upang mapataas ang traffic o dalas ng pagbisita sa iyong blog gamit ang Facebook? at gaano ito kaepektibo?







Mga Paraan:


Gumawa ng Facebook Page para sa iyong Blog


Gumawa ng Facebook Page para sa iyong Blog

Ang paggawa ng Facbook Page sa iyong blog ay isang napakalaking tulong upang mapataas ang traffic ng iyong blog. Ang isang page sa Facebook ay laging sinusubaybayan ng mga nag-Like nito ibig sabihin kung ang iyong page ay may 1000 likes may isang libong tao na makakakita ng iyong post na maari nilang mai-click at ang click ay dadagdag sa iyong blog traffic. Maganda ang paggamit ng Facebook page upang ipromote ang iyong website o blog dahil ito ay may sariling analytics o kung tawagin ay insights kung saan makikita mo ang mga istatistika ng pagbisita at engagement ng mga users ng Facebook sa iyong page. Ang Facebook Page kung maisasaayos ng mabuti ay makapagbibigay ng malaking exposure sa iyong website o blog ngunit hindi nangangahulugan na ito ay magreresulta sa mabilis na pagtaas ng traffic sa iyong blog dahil nakadepende pa rin ito sa mga taong gustong basahin ang iyong ipinost. Mananatiling potensyal na traffic ang iyong tagasubaybay kung ang iyong ipinost ay hindi nila nagustuhan kaya't malaking bahagi pa rin ang nilalaman ng iyong titulo at post dahil ito ay dapat nakakaakit basahin.


Gumawa ng Facebook Group(s)

Gumawa ng Facebook Group(s)
Ang Facebook Group ay kahalintulad din ng Facebook Page ngunit mas aktib ang mga miyembro dito. Sa Facebook Group maaring magkaroon ng diskusyon kung saan mas nagkakroon ng engagement ang mga potential na bibisita sa iyong website. Higit sa lahat ang kagandahan ng isang Facebook Group ay dito nagsasama-sama ang mga taong may parehong interest. Halimbawa, kung ang iyong blog o website ay may kinalaman sa kotse gumawa ka ng Facebook Group na may kinalaman sa kotse at ipalaganap sa mga enthusiast ng paksa na ito. Kaya't sa bawat pagpost mo ng content na may kinalaman sa kotse mas tataas ang pagclick ng mga potential na bibisita sa iyong blog o website.




Siguraduhing may Social Media Links ang Blog

Siguraduhing may Social Media Links ang Blog
Paano nakapagbibigay ng adisyonal na traffic ang Social Media Buttons? Ang Social Media Buttons ay nakatutulong upang mapalaganap ang iyong blog posts sa iba't ibang Social Media Sites lalong lalo na sa Facebook. Ito ay nagbibigay sa iyo ng dagdag na exposure sa mga social media users at ito ay ginagawa ng iba't ibang tao para sa iyo. Sa madaling salita lumalaganap ang iyong post sa internet ng libre at hassle free sa pamamagitan ng iba't ibang indibidwal na bumibisita sa iyong blog at nagsha-share nito.


Mag Comment sa may Kaparehas na Paksa

Ang pagko-comment sa mga post sa Facebook ay nakapagbibigay ng Links sa iyong blog o website at ito ay isa sa mga paraan upang mapataas ang traffic at ranggo sa mga search engine gaya ng Google at Bing. Kailangan gumamit ng nakakaakit na mga salita upang makaakit ng mga bisita sa iyong website. Halimbawa:

 Mga Halimbawa:

Paksa ng post sa Facebook: Blogging Tips
Halimbawa ng Komento: Iba't ibang Blogging Tips bisitahin lang ang (Blog URL)

Paksa ng post sa Facebook: Android Applications
Halimbawa ng Komento: Top 10 na pinakaginagamit na Android App! (Blog URL)





Sana ay nakatulong saiyo ang mga paraan na ito.

Kung nakatulong at nagustuhan mo ang post na ito i-Like at i-Share ito sa mga kakilala mo! Huwag kalimutang i-like at i-share ang blog na ito!

Comments