Mga Paraan Para Kumita ng Pera sa Internet 2017

Mga Paraan Para Kumita ng Pera sa Internet 2017


Mga Paraan Para Kumita ng Pera sa Internet 2016
imahe mula sa: pixabay.com



Freelance Writer

Kung ikaw ay may talento sa pagsusulat maraming website online na naghahanap ng mga freelance writer. hindi mo kailangang mamuhunan ng pera tanging talento sa pagsusulat, oras, at internet lang ang kailangan.
Hindi parepareho ang bayad sa mga freelance writter kadalasan sa umpisa ay mababa lamang ang perang makukuha pero kung ikaw ay magaling at hilig ang pagsusulat bakit hindi mo ito subukan. Marami rin nag-ooffer ng documents editing, proofreading, at iba pang may kinalaman sa pagsusulat. Dito sa freelance writting hawak mo ang oras ng pagtatrabaho siguraduhin lamang na matatapos mo ang iyong gawain sa oras at ikaw ay kikita na.


Magbenta ng Gamit

Isa sa mga pinakamabisang paraan upang kumita sa Internet! Mayroon ka bang gamit na hindi na ginagamit na may value? I-post mo na yan. marahil narinig mo na ang mga katagang iyan dahil ang buy-n-sell ay isa sa sa mga industryang lumalaki at patuloy na lumalakas sa internet.
Sa umpisa maari kang magbenta ng mga gamit at ang perang makukuha ay gagawing puhunan upang bumili ng mga gamit at muling ibenta kumbaga paikutin ang perang nakuha sa unang pagbebenta. O di kaya'y gumawa ng iba pang produkto gaya ng pagkain dahil nauuso narin ngayon ang pag-oorder online ng mga pastries at mga deserts.

Bonus tip: Gamitin ng mahusay ang Social Media gaya ng Facebook dahil dito madalas pumupunta ang karamihan sa Internet!


Gumawa ng Blog o Website

Mukhang mahirap? Magastos? Matrabaho? Kaunti ang kaalaman sa paggawa ng blog o website? Hindi na iyan problema ngayon! maraming platform ang nagbibigay ng libreng paggawa at paglathala ng mga blogs o website gaya ng Blogger at Wordpress. Paano kikita sa paggawa ng website o blog?

Isa sa pinakamabisang paraan ay ang paglalagay ng mga Ads (advertisements) sa iyong website. Ang pinakasikat ay ang Adsense ng Google maraming magagandang reviews at matagumpay na istorya ang programang ito. Isa din sa mga tinatangkilik ay ang affiliate programs ang pinakasikat ay ang Amazon mayroon din ang Lazada. Dito ay kikita ka sa bawat may magki-click ng banners o iba pang ads sa iyong website at bibili sa kanila. Maaring malaki ang kitain sa programang ito.

Sa umpisa maaring maging mahirap ang ang pagblo-Blog kaya dapat mo lang itong ipagpatuloy. Maraming matagumpay na Blog ay nagumpisa sa wala na ngayo'y kumikita na ng 1000 - 10000 USD o higit pa at kung ikaw ay suswertihin baka ikaw na ang susunod na Mark Zuckerberg!.

Bonus Tip: Pumili ng paksang hilig at may kaalaman ka. Maganda ang mga niche o topic na may kinalaman sa technolohiya, medisina, banking and finance, insurance, at automobiles. Iwasan ang mga entertainment blogs o mga showbiz na blog dahil maraming kakumpitensya at mababa ang kita.



Magturo

Magaling ka ba sa ingles o iba pang lengwahe? Ito ang para saiyo magturo online! Ito ang pinakasikat na work from home na programa sa internet para sa mga gustong kumita ng regular. Ito ay kadalasang nangangakong magbibigay ng kitang PHP 30,000 - PHP 50,000 na kita kada buwan. Marami ng sumubok at kumita dito kaya nagkakaroon na ng kumpetisyon mas maganda kung ikaw ay isang degree holder o kung hindi naman ay kumuha ng mga certification ng pagkadalubhasa sa mga testing agencies.

Ang kagandahan nito ay sandali lamang ang pagtuturo o sessions ngunit kadalasan ay sa banyaga ang mga kliyente kaya't minsan ay gabi o hanggang madaling araw ang tutoring.


Online Surveys

Ikaw ba ay may libreng oras at walang magawa habang nakatunganga sa computer? at gusto mong kumita?
Online surveys ang babagay saiyo hindi kalakihan at medyo matagal ang pag-iipon pero sigurado ang kita! hindi kailangan ng mahabang oras kada araw. Kinakailangan lamang ng isa hanggang dalawang oras kada araw maari ka ng kumita ng 100 USD sa isang buwan. Humanap ng mga techniques na makakatulong sa iyo para mas lalong kumita ng malaki.


Ikaw ano ang naiisip mo para pagkakitaan ang Internet sa legal na paraan? bakit hindi subukan ang mga halimbawa dito sa post na ito. Kung nakatulong at nagustuhan mo ang post na ito i-Like at i-Share ito sa mga kakilala mo! huwag kalimutang i-like  at i-share ang blog na ito!

Comments