Mga kailangan bago mag-apply sa Adsense

Mga kailangan bago mag-apply sa Adsense


google adsense


Kailangan ay mayroon kang website o blog.

- Ang website o blog ay dapat may isang tema o paksa. ito rin dapat ay mayroong mayaman na nilalaman.
- Bawat post o pahina ay dapat mayaman sa mga salita. (minumungkahi ng blog na ito na magkaroon ng mga pahina na may 2000+ salita)

Ikaw dapat ay 18 (labinwalong) taong gulang

- Gumamit ng totoong pangalan, address, kontak atbp.
- Ang mga pekeng impormasyon ay maaring makasama sa iyong aplikasyon

Sinusunod ba ng iyong website o blog ang polisiya ng Google?

- Alamin ang mga polisiya ng Google: Google Adsense Policy
- Tanggalin ang mga imahe na kinuha lamang sa Google search.
- Iwasan mag-plagiarize ng nilalaman ng blog.


Ang Adsense ang isang paraan upang kumita ng pera sa Internet. Ito ay ginagamit ng halos lahat ng mga website na gustong kumita. Sa umpisa hindi madaling maapruba agad ang iyong aplikasyon kaya maglaan ng panahon sa pagpapayaman ng nilalaman ng iyong blog o website.

Ang aplikasyon sa Adsense ay libre at kung mgagamit ng mabisa ay maaring kumita ng malaki. Kaya dapat kang mag-isip ng tema o paksa ng iyong website. Eksperto ka dapat sa iyong pipiliing tema para sa iyong blog o website.

Ang Adsense ay hindi kikita mag-isa kailangan nito ng isang website o blog na mayaman sa nilalaman at mataas ang traffic (mga bumubisita sa website).


Magbunyi!! Magbunyi!! kababayan maari ng mag-apply sa Adsense ang blog na nasa wikang Filipino!



Comments