iOS vs Android

iOS vs Android

Android vs Apple
Imahe mula sa: http://www.freeimages.com/

Apple's iOS and Google's Android ay ang mga pangunahing operating system ng mga modernong mobile phones. Ikaw ba ay naguguluhan kung sino sa dalawa ang pipiliin mo? Ano ba ang mas bagay sa iyo?


Applications: Apps Store vs PlayStore


Kung gusto mong gumamit o gumagamit ka na ngayon ng iPhone o iPad marahil iniisip mo kung bakit maraming apps sa Playstore na wala sa Apps Store ng Apple. Ito ay dahil mas maganda ang alok ng Google para sa mga app developers kaysa sa Apple. Mas maraming paid apps ito yung mga application na kailangan bilhin bago magamit sa umpisa o sa kabuuan. Sa Android maari kang mag install ng mga APK files, ang extension ng Android Apps, na hindi galing sa Playstore. Madalas ito yung mga hacked apps na libre mong magagamit sa kabuuan. Maari rin naman ito sa iOS ngunit kailangan pa itong i-jailbreak, isang proseso sa pagtanggal ng mga limitasyon sa phone. Mapanganib ang prosesong ito dahil hindi lamang nito napapawalang bisa ang warranty o iba pang serbisyo ng Apple sa iyong device bumabagsak din ang seguridad nito. Kung ikaw ay isang kaswal na user lamang ng mga applications at pinahahalagahan ang mga pangunahing gamit ng isang smartphone ang iOS ang para sa iyo. Ngunit kung ikaw ay isang mabutingting at mapagsaliksik sa mundo ng mobile operating system ang Android ang para sa iyo!

Performance at Seguridad


Halos wala namang pinagkaiba sa performance ang dalawang operating system dahil ito ay nakadepende sa manufacturer ng smartphone. Kung ikaw ay nasusurf sa internet, nagfafacebook at iba pang social media hindi mo mararamdaman ang pinagkaiba ng dalawa. Ngunit kapag pinagana ang mga mabibigat na application dito na magkakaalamanan. Sa iba't ibang operating system test laging nauungusan ng Android ang iOS (Tandaan Nakadepende Pa Rin Sa Manufacturer Lalo Na Sa Android). Sa aspeto naman ng seguridad, sa bagong update ng iOS mayroon na silang security scanner kung saan mas secure kaysa sa security features ng Android. Ngunit nabahiran ng kontrobersya ang seguridad ng Apple matapos mahack ang mga servers at databases nito. Ang Android ay may hiwahiwalay na sa system resources kaya kung magkakaroon ng malware ay hindi malala ang mangyayari.

Buod:


Kung ikaw ay kaswal na gumagamit lamang ang iOS ang para sa iyo. Kung ikaw naman ay developer, programmer, o iba pa na kailangan ng matinding customization ng smartphone ang Android ang para sa iyo.

Ang pagpili ng phone kung ikaw ay nasa budget ay kung ano ang magagawa at maitutulong nito sa iyo. Maraming mga phone ang lumalabas araw-araw kaya't laging nagbabago ang teknolohiya. Kaya't sa susunod na pagbili ng smartphone wag magatubiling tumingin muna ng mga review sa internet o magazines.



Comments